Thursday, October 16, 2008

asus-ena!

MALAS. naniniwala ka pa ba dun?! TAE naman. ewan ko. madalas, sinasabing ang dahilan ng lahat: “KAMALASAN“. TAE. nasa utak lang din naman ata yun ng tao eh. kasi hindi natin matanggap na lahat ng kapalpakan, katarantaduhan, ka-wirduhan at kung anu-ano pa eh dala lang ng mga katangahan natin. pagkakamali lang natin yun. ‘lang’ pa eh no? HAHA. [naks, parang si Bob Ong lang ako, FEELER!]

wala na naman akong magawa. hindi na naman ako makatulog. kaya sige, hala, sulat. sulat. type ng type at ng type at magtype pa. hindi ko maayos-ayos itong blog ko. baby pa lang kasi eh. and i’m new sa wordpress. TAE. naka-ilang blog na ko. lahat inabandona ko na at ito na lang yung nabubuhay. [waw, parang tao lang ah, haha] at sana ito na yung panghuli kong blog. BLOG-ag!

Eksena sa Jollibee:

Cashier: Ma’am, may 2 pesos po kayo?

Gladys: Wala po eh.

Cashier: Ahh, okay po, ma’am, wait niyo lang po yung sukli ah. [then i smiled]

Romnick: Dapat hindi yun ang sinabi mo!

Gladys: Ano dapat?

Romnick: Dapat nung tinanung ka: “Ma’am, may 2 pesos po kayo?“. Dapat isinagot mo: “Wala eh, ikaw, meron?”…

[hahaha! tas tawa kaming dalawa. hayop talaga yung batang yun. HAHAHA!]

wala akong maisip. HMM. :] ay meron pala, eto yun. HAHA. at mukha pa kong ewan. kasi tinitiis kong ‘wag mag-load. parang abstinence. SAY WHAT?! HAHAHA. tinitiis kong ‘wag mag-unli. kailangan i-control. drumroll. OKAY!! ang baduy. HAHA. tae. ang random ko ngayon. HAHAHA. :]] mukhang nasasayang SEMBREAK ko eh. tsktsk.

No comments: